Mga ekonomikong datos sa iba’t ibang lugar ng Tsina, magkakasunod na inilabas; de-kalidad na pag-unlad, may bagong tampok

2022-05-07 14:07:23  CMG
Share with:

Nitong nakalipas na ilang araw, sunud-sunod na inilabas ng mga lalawigan, rehiyong awtonomo at munisipalidad ng Tsina ang mga pangunahing indeks ng paglago ng kabuhayan noong unang kuwarter ng taong ito.

 

Ipinakikita ng mga datos na aktibong napanaigan ng iba’t ibang lugar ang iba't ibang presyur na dulot ng pagbabago ng kalagayan sa loob at labas ng bansa, at pinasulong ang de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan.

 

Kumpara sa unang kuwarter ng 2021, tumaas ng 3 ang bilang ng mga lalawigan na may lampas sa 1 trilyong yuan RMB na GDP.

 

Kabilang dito, mas mabilis ang paglago ng mga rehiyon sa gawing gitna at kanluran ng bansa, at pawang lumampas sa 6% ang bahagdan ng paglago ng mga lalawigang gaya ng Hubei, Shanxi, Xinjiang at Guizhou, kumpara sa gayun ding panahon ng tinalikdang taon.

 

Kapansin-pansin ang datos ng industriya ng hay-tek na pagyari ng maraming lalawigan.

 

Lampas sa 5,000 yuan ang karaniwang konsumo ng bawat tao ng 21 lalawigan.

 

Naisakatuparan na ng kabuhayang Tsino ang matatag at unti-unting pagtaas ng kalidad ng pag-unlad.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac