Iran sa Amerika: Dapat tugunan ang mungkahi ng Iran tungkol sa talastasang nuklear

2022-05-17 14:17:26  CMG
Share with:

Sinabi nitong Lunes, Mayo 16, 2022 ni Tagapagsalita Saeed Khatibzadeh ng Ministring Panlabas ng Iran, na sa panahon ng pagdalaw kamakailan ng tagapagkoordina ng Unyong Europeo (EU) sa Iran, iniharap ng Iran ang espesyal na mungkahi tungkol sa talastasan ng mga kaukulang panig ng komprehensibong kasunduan ng isyung nuklear ng Iran.

 

Ngayo’y dapat mag-desisyon ang Amerika at ilahad ang tugong pulitikal hinggil dito, ani Khatibzadeh.

 

Dagdag pa niya, dapat igalang ang lehitimong karapatan ng Iran, at dapat alisin ng Amerika ang lahat ng ipinapataw na sangsyon laban sa Iran.


Salin: Lito

Pulido: Mac