Kooperasyon ng Amerika at Hapon, hindi dapat nakatuon sa komprontasyon sa Tsina

2022-05-18 15:45:56  CMG
Share with:

 

Ipinahayag ngayong araw, Mayo 18, 2022 ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na ang bilateral na kooperasyon ng Hapon at Amerika ay hindi dapat nakatuon sa pagsasagawa ng komprontasyon sa Tsina.

 

Nang araw ring iyon, nagtagpo sa pamamagitan ng video link sina Wang Yi at Yoshimasa Hayashi, Ministrong Panlabas ng Hapon.

 

Sinabi ni Wang na bago ang Quadrilateral Security Dialogue (QUAD) Summit na idaraos sa Hapon, lumilitaw ang mga balita hinggil sa di-umano ay magkasamang pagsasagawa ng komprontasyon ng Hapon at Amerika sa Tsina.

 

Ikinababahala aniya ng Tsina ang ganitong mga balita.

 

Hinimok ni Wang ang Hapon na maingat na isagawa ang mga hakbangin para mapangalagaan ang katatagan ng rehiyong ito.


Salin: Ernest

Pulido: Rhio