Ayon sa ulat, dadalaw sa Timog Korea at Hapon si Pangulong Joe Biden ng Amerika sa Mayo, at makikipag-usap sa mga lider ng umano’y Quad alliance.
Kaugnay nito, sinabi nitong Huwebes, Abril 28, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi nagbabago ang palagay ng panig Tsino na ang kooperasyon ng mga bansa at inisyatibang panrehiyon ay dapat sumunod sa agos ng panahon, at umangkop sa mithiin ng mga mamamayan. Dapat itong makatulong sa pagpapasulong sa kapayapaan, katatagan at kasaganaan ng rehiyon, sa halip na buuin ang eksklusibong grupo na makakapinsala sa pagtitiwalaan at pagtutulungan ng mga bansa sa rehiyon.
Lipos ng kaisipan ng cold war at zero sum at konprontasyong militar ang Quad alliance, at tumataliwas sa agos ng panahon, kaya tiyak itong salungat sa mithiin ng mga mamamayan, dagdag niya.
Salin: Vera
Pulido: Mac