Determinasyon ng Tsina sa mas mabuting pagbubukas sa labas, inulit ni Xi Jinping

2022-05-19 16:38:23  CMG
Share with:

Sa kanyang naka-video na talumpati sa pulong bilang pagdiriwang sa Ika-70 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng China Council for the Promotion of International Trade (CCPIT) at Global Trade and Investment Promotion Summit, Mayo 18, 2022, inulit ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na hindi nagbabago ang determinasyon ng bansa tungo sa mas mabuting pagbubukas sa labas.

 

Mas malawak aniyang bubuksan ang pinto ng Tsina para sa mundo.

 

Sinabi pa ni Xi, na sapul nang maitatag noong 1952, mahalagang papel ang ginagampanan ng CCPIT sa pagpapalakas ng ugnayan ng pakinabang sa pagitan ng mga bahay-kalakal na Tsino at dayuhan, pagpapasulong ng pandaigdigang pagpapalagayan sa kabuhayan at kalakalan, at suporta sa pag-unlad ng relasyon ng Tsina at ibang mga bansa.

 

Dagdag niya, ang 70 taon ng CCPIT ay mahalagang halimbawa ng walang humpay na pagpapalawak sa pagbubukas ng Tsina sa labas.

 

Ito aniya ay nagsisilbi ring saksi sa pagbabahagi ng Tsina ng pagkakataong pangkaunlaran at pakinabang sa win-win na kooperasyon sa mga bahay-kalakal ng iba’t ibang bansa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan