Dadalo bukas, Abril 21, 2022 sa pamamagitan ng video si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa seremonya ng pagbubukas ng Boao Forum for Asia (BFA).
Bibigkas si Xi ng keynote speech sa seremonya ng pagbubukas.
Ang taunang pulong ng BFA ay idaraos mula Abril 20 hanggang Abril 22 sa lunsod ng Boao ng lalawigang Hainan sa dakong timog ng Tsina.
Ang tema ng 2022 BFA ay "The World in COVID-19 & Beyond: Working Together for Global Development and Shared Future."
Dadalo rin sa BFA sa pamamagitan ng video ang mga lider ng iba’t ibang mga bansa at namamahalang tauhan ng mga organisasyong pandaigdig na kinabibilangan ni Pangulo Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas.
Salin: Ernest
Pulido: Mac
Pangulong Xi, nagpadala ng mensahe kay Pangulong Duterte bilang pakikiramay sa kalamidad ng bagyo
Mga pangulo ng Tsina at Mauritius, nagpalitan ng pagbati sa 50-taong relasyong diplomatiko
Pangulong Tsino at crown prince ng Saudi Arabia, nag-usap sa telepono
Pagtatatag ng primera klaseng spacecraft launch site, inutos ng pangulong Tsino