Premyer Tsino, nanawagan para patatagin ang pamilihan at hanapbuhay

2022-05-19 16:46:31  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri sa lalawigang Yunnan, nanawagan kahapon, Mayo 18, 2022, si Premyer Li Keqiang ng Tsina, para patatagin ang pamilihan at hanapbuhay.

 

Hiniling niya sa mga pamahalaan sa iba’t ibang antas, na lubos na ipatupad ang inilabas na mga hakbangin sa aspekto ng buwis, at patnubayan ang mga institusyong pinansyal sa pagsasagawa ng mga hakbangin sa aspekto ng pautang, bilang suporta sa mga maliit at katamtamang-laking negosyo at mga taong namamasukan.

 

Binigyang-diin din niyang, habang isinasagawa ang pagkontrol at pagpigil sa pandemiya ng COVID-19, dapat tiyakin ang suplay ng mga pagkain at enerhiya, at ang maayos na transportasyon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan