Xi Jinping, hanga sa mga batang iskolar na bumalik sa Tsina makaraang magtapos ng pag-aaral sa ibayong dagat

2022-05-19 16:41:49  CMG
Share with:

Sa kanyang sagot na liham Mayo 18, 2022 sa mga batang iskolar sa Nanjing University na bumalik sa bansa makaraang magtapos sa ibayong dagat, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na hanga siya sa naturang mga iskolar dahil sila ay nagbibigay-ambag sa inangbayan at naglilingkod sa mga mamamayan.

 

Sinabi rin niya sa mga iskolar, na ibayo pang ibuhos ang pagsisikap, para palakasin ang kakayahang pansiyensiya at panteknolohiya ng Tsina, at patatagin ang kompiyansang pangkultura.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan