Xi Jinping, inilahad ang kahandaang buuin ang pandaigdigang komunidad ng pag-unlad sa mensaheng pambati sa porum ng BRICS

2022-05-20 15:10:26  CMG
Share with:

Ipinadala ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang mensaheng pambati sa porum ng mga partidong pulitikal, think tank, at civil society organizations ng mga bansang BRICS o Brazil, Rusya, Indya, Tsina at Timog Aprika, na idinaos kahapon, Mayo 19, 2022, sa pamamagitan ng video link.

 

Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng lahat ng mga bansa ng daigdig kabilang ang mga bansang BRICS, na pabilisin ang pagpapatupad ng United Nations 2030 Agenda for Sustainable Development, pasulungin ang pagpapatupad ng Global Development Initiatives, at magkakasamang buuin ang pandaigdigang komunidad ng pag-unlad.

 

Nanawagan din siya sa mga partidong pulitikal, think tank, at civil society organization ng mga bansang BRICS at ibang mga umuunlad na bansa, na isabalikat ang mga tungkulin, palalimin ang pagpapalitan, at ibigay ang talino at lakas para sa pagsasakatuparan ng komong pag-unlad ng daigdig at pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.


Editor: Liu Kai

Pulido: Mac Ramos