Xi Jinping sa mga bansang BRICS: Buuin ang pandaigdigang komunidad ng seguridad para sa lahat

2022-05-20 15:06:16  CMG
Share with:


Bumigkas ng naka-video na talumpati, kahapon, Mayo 19, 2022, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa seremonya ng pagbubukas ng pulong ng mga ministrong panlabas ng mga bansang BRICS o Brazil, Rusya, Indya, Tsina at Timog Aprika.

 

Sinabi ni Xi, na bilang mga positibo at konstruktibong puwersa ng komunidad ng daigdig, dapat pasulungin ng mga bansang BRICS ang kapayapaan at kaunlaran, pangalagaan ang pagkakapantay-pantay at katarungan, at itaguyod ang demokrasya at kalayaan, para magbigay ng matatag at positibong elemento sa relasyong pandaigdig sa panahon ng pagbabago.

 

Tinukoy ni Xi, na para pasulungin ang komong seguridad sa daigdig, iniharap ng panig Tsino ang pandaigdigang inisyatiba sa seguridad. Kailangang palakasin ng mga bansang BRICS ang pagtitiwalaang pulitikal at kooperasyong panseguridad, tutulan ang hegemonismo at pamumulitika ng mga makapangyarihan, at tanggihan ang ideya ng Cold War at komprontasyon mula sa mga magkaka-alyado, para buuin ang pandaigdigang komunidad ng seguridad para sa lahat, diin niya.

 

Nanawagan din si Xi sa mga bansang BRICS, na palakasin ang pagkakaisa at pagtutulungan, kasama ng ibang mga bagong sibol na ekonomiya at umuunlad na bansa, para isakatuparan ang komong pag-unlad at magkakasamang harapin ang mga panganib at hamon.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos