Konseho ng Estado ng Tsina, hinirang si John Lee bilang punong ehekutibo ng HKSAR

2022-05-21 18:14:23  CMG
Share with:

Sa pulong kahapon, Mayo 20, 2022, ipinasiya ng Konseho ng Estado ng Tsina, na hirangin si John Lee bilang ika-6 na termino ng punong ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR).

 

Si Lee ay nagwagi sa halalan ng punong ehekutibo na idinaos noong Mayo 8, at nakatakdang manumpa sa tungkulin sa darating na Hulyo 1, para halinhan ang kasalukuyang punong ehekutibo na si Carrie Lam.

 

Pinanguluhan ni Premyer Li Keqiang ang nabanggit na pulong, at nilagdaan niya ang kautusan ng Konseho ng Estado tungkol sa paghirang kay Lee.

 

Sinabi ni Li, na ipagpapatuloy ng pamahalaang sentral ang komprehensibo, iksakto, at di-magbabagong pagsasagawa ng prinsipyo ng “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” “namamahala sa Hong Kong ang mga taga-Hong Kong,” at awtonomiya sa mataas na antas. Ipinapatupad aniya ng sentral na awtoridad ang hurisdiksyon sa HKSAR, at sinusuportahan ang punong ehekutibo at pamahalaan ng HKSAR sa pamamahala sa Hong Kong alinsunod sa batas.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos