Pangulong Tsino, nakipagtagpo sa mga punong ehekutibo ng HKSAR at Macao SAR

2021-12-23 16:12:44  CMG
Share with:

Magkahiwalay na nakipagtagpo nitong Miyerkules, Disyembre 22, 2021 si Pangulong Xi Jinping ng Tsina kina Carrie Lam at Ho Iat Seng, mga Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong at Macao (HKSAR at Macao SAR).

Pangulong Tsino, nakipagtagpo sa mga punong ehekutibo ng HKSAR at Macao SAR_fororder_20211223XiHongKong

Sina Pangulong Xi Jinping (kanan) at Carrie Lam (kaliwa), Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong

Pinakinggan ni Xi ang mga ulat hinggil sa kalagayan ng Hong Kong at Macao at mga gawain ng pamahalaan ng dalawang SAR.

Pangulong Tsino, nakipagtagpo sa mga punong ehekutibo ng HKSAR at Macao SAR_fororder_20211223XiMacao

Sina Pangulong Xi Jinping (kanan) at Ho Iat Seng (kaliwa), Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao

Ipinahayag naman ni Xi ang lubos na pagpapahalaga sa mga gawain ng mga punong ehekutibo at kanilang mga pamahalaang.

Diin ni Xi, patuloy at buong tatag na ipapatupad ng pamahalaang sentral ang “Isang Bansa, Dalawang Sistema,” at magpupunyagi, kasama ng mga kababayan sa Hong Kong at Macao, para sa dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.

Salin: Vera

Pulido: Rhio

Please select the login method