Bago matapos ang kanyang tatlong araw na pagbisita sa Hapon, idinaos kahapon, Mayo 20, 2022, sa Tokyo, ni Rafael Mariano Grossi, Direktor Heneral ng International Atomic Energy Agency (IAEA), ang preskon tungkol sa binabalak na pagpapakawala ng Hapon ng treated radioactive water ng Fukushima Daiichi nuclear power plant sa dagat.
Sinabi ni Grossi, na may karapatan ang mga mamamayan ng Hapon, at mga nakapaligid na bansa at rehiyon, na ikabahala ang naturang plano ng pamahalaang Hapones, at sinusuri ng IAEA ang plano para hindi ito lumabag sa mga pandaigdigang pamantayan sa kaligtasan.
Ipinangako rin ni Grossi, na isasagawa ng IAEA ang pagmomonitor at pagtasa sa buong proseso bago, sa panahon, at pagkaraang itapon ang naturang kontaminadong tubig sa dagat, at titiyakin ng IAEA na obdiyektibo at bukas sa pagsisiyasat ang kanilang mga gawain.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos