Isinapubliko kamakailan ng iskolar ng Tsukuba University ng Hapon ang resulta ng pag-aaral nila sa patuloy na pagkalat ng radioactive substance mula sa aksidenteng nuklear ng Fukushima Daiichi nuclear power plant noong 2011. May posibilidad itong kumalat sa buong karagatan.
Nang sagutin ang tanong na may kinalaman sa nasabing ulat, sinabi ni Wang Wenbin, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang polusyong nuklear sa Fukushima ay hindi isang pribadong isyu ng Hapon kundi isang isyung may kinalaman sa kapaligirang ekolohikal ng buong dagat at kalusugan ng mga mamamayan sa buong daigdig. Hinimok ni Wang ang Hapon na mataimtim na pakinggan ang pagkabahala ng mga kapitbansa at komunidad ng daigdig at huwag ituloy ang desisyon nitong itapon ang nuclear waste sa dagat.
Salin: Sissi
Pulido: Mac