Ulat ng pagtasa sa nuclear contaminated water ng Fukushima, ilalabas ng IAEA; Tsina sa Hapon: iwasto ang kamalian

2022-02-24 12:48:10  CMG
Share with:

Ulat ng pagtasa sa nuclear contaminated water ng Fukushima, ilalabas ng IAEA; Tsina sa Hapon: iwasto ang kamalian_fororder_20220224IAEA

Sinabi kamakailan ng International Atomic Energy Agency (IAEA) na natapos na ang on-site visit ng technical working group hinggil sa kaligtasan ng paghawak sa nuclear contaminated water ng Fukushima Daiichi Nuclear Power Plant ng Hapon, at ilalabas ang ulat ng pagtasa sa darating na Abril.
 

Kaugnay nito, inihayag Miyerkules, Pebrero 23, 2022 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang unilateral na desisyon ng Hapon hinggil sa pagtatapon ng nuclear contaminated water sa dagat ay malawakang pinagdududahan at tinututulan ng komunidad ng daigdig, lalong lalo na, ng mga stakeholder.
 

Tinukoy niyang hindi sinang-ayunan ng panig Hapones ang pagtasa ng nasabing grupo sa ibang plano ng paghawak sa nuclear sewage, at pinili nitong itapon ang kontaminadong tubig sa dagat.
 

Ito aniya ay nangangahulugang hindi sinunod ng Hapon ang anumang rekomendasyon ng IAEA sa paghawak sa nuclear sewage.
 

Hindi ito ang inaasahang resulta ng komunidad ng daigdig, dagdag niya.
 

Umaasa aniya ang panig Tsino na kasabay ng tuluy-tuloy na pagpapalalim ng mga gawain ng technical working group, pasusulungin ng panig Hapones ang pagwawasto sa sariling kamalian, lubos na makikipagsanggunian sa kaukulang organong pandaigdig at mga stakeholder, at hahawakan ang nuclear sewage, sa bukas, maliwanag, siyentipiko at ligtas na paraan.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method