Kabutihang ipinasa mula sa ama hanggang sa anak: Xi Jinping at kanyang ama

2022-05-24 10:37:26  CMG
Share with:



 

Si Xi Zhongxun ay ama ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Bilang miyembro ng Partido Komunista ng Tsina, noong panahon ng rebolusyon ng Tsina, siya ay naging puno ng pamahalaan sa antas ng lalawigan sa Shaanxi-Gansu Border Region. Pagkaraang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, nanungkulan minsan siya bilang gobernador ng lalawigang Guangdong, pangalawang premyer ng Tsina, at ibang posisyon sa mataas na antas.

 

Sa kanyang buong buhay, si Xi Zhongxun ay taong nagpako sa isip ng misyon ng partido, buong sikap na naglingkod sa mga mamamayan, buong tatag na nagtaguyod sa reporma, naghanap ng katotohanan mula sa mga pangyayari, at naghangad ng pagtatayo ng magandang kapaligiran sa bansa.



 

Ipinasa ni Xi Zhongxun kay Xi Jinping ang mabuting loob, at hindi rin niya nakakalimutan ang mga aspirasyon ng ama.



Sinabi minsan ni Xi Jinping, “Kung hindi mo malilimutan kung bakit ka nagsimula, isasakatuparan mo ang iyong misyon. Ang mga ama natin ay nagturo sa atin kung paano maging mas mabuting tao sa pamamagitan ng pagpapakita ng kanilang sarili bilang maningning na halimbawa. Kunin ang baton mula sa kanila, isasakatuparan natin sa bandang huli ang dakilang pag-ahon ng nasyong Tsino.”


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos