21 katao patay sa pamamaril sa eskwelahan sa Texas, Amerika

2022-05-25 11:41:25  CMG
Share with:

 

Di-kukulangin sa 18 estudyante ang nasawi dahil sa pamamaril nitong Martes, Mayo 24, 2022 sa isang mababang paaralan sa State of Texas ng Amerika.

 

Ayon sa pahayag ng pamahalaan ng State of Texas, napatay ng mga pulis ang suspek na isang 18 taong gulang na lalaki.

 

Sa kasalukuyan, iniimbestigahan pa ang dahilan ng insidenteng ito.