Sa pamamagitan ng video, ipinatawag kahapon, Mayo 25, 2022 ni Premyer Li Keqiang ng Tsina ang isang pambansang komperensya tungkol sa pagpapalakas ng kabuhayan.
Ani Li, kinakaharap ngayon ng kabuhayang Tsino ang napakalaking kahirapang mas malubha pa kaysa noong 2020, kung kailan naging grabe ang negatibong epektong dulot ng pandemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Binigyang-diin niyang, ang pag-unlad ay batayan at susi sa paglutas ng lahat ng mga problema ng Tsina.
Kaya dapat aniyang ipatupad ang bagong ideya sa pag-unlad, koordinahin ang paglaban sa pandemiya at pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan, at bigyan ng mas malaking priyoridad ang pagpapalakas ng kabuhayan.
Saad ni Li, itinakda na ng Konseho ng Estado ang 33 patakaran para ma-istabilisa ang kabuhayan, at hiniling niya sa iba’t ibang departamento at lokal na pamahalaan, na ilabas ang mga detalyadong hakbangin ng pagpapatupad ng mga patakaran bago katapusan ng buwang ito.