Sa kanyang pangungulo sa pirmihang pulong ng Konseho ng Estado ng Tsina kamakailan, pinag-ibayo ni Premyer Li Keqiang ng bansa ang plano sa mga konkretong hakbangin sa pagpapatatag ng kabuhayan, para mapasulong ang pagbalik ng kabuhayan sa normal na landas, at maigarantiya ang takbo nito sa makatuwirang antas.
Ipinasiya sa pulong ang pagsasagawa ng 33 hakbangin sa 6 na aspektong kinabibilangan ng mga patakarang piskal, patakarang pinansyal, pagpapatatag ng industrial at supply chain, pagpapasulong sa konsumo at mabisang pamumuhunan, pangangalaga sa seguridad ng enerhiya, at paggarantiya sa pundamental na pamumuhay ng mga mamamayan.
Ipinagdiinan sa pulong na tututukan ng Konseho ng Estado ang kalagayan ng pagpapatupad ng mga pamahalaang lokal ng mga hakbangin sa pagpapatatag ng kabuhayan.
Dapat ilunsad din ng mga pamahalaang lokal ang mga hakbangin sa pagpapatatag ng kabuhayan na angkop sa aktuwal na kalagayan sa lokalidad, diin ng pulong.
Salin: Vera
Pulido: Mac