CMG Komentaryo: Huwad na mukha ng karapatang pantao ng Amerika, bumagsak sa tunog ng baril

2022-05-26 17:40:51  CMG
Share with:

 

Dalawampu’t isa (21) katao, na kinabibilangan ng 19 na bata ang nasawi sa pamamaril nitong Mayo 24, 2022, sa isang mababang paaralan sa Texas, Amerika.

 

Ito ay isa lamang sa ilang madugong pamamaril na naganap sa Amerika nitong nakalipas na ilang araw.

 

Ipinakikita ng paulit-ulit na insidente ang di-malutas-lutas na isyu ng karahasang dulot ng baril sa bansang ito.

 

Sa unang tingin, ang isyu ay isang komplikado at masalimuot dahil ang karapatan ng mga mamamayan na mag-may-ari ng armas ay nakapaloob sa Second Amendment ng Konstitusyon ng Amerika.

 

Pero sa katotohanan, ito ay may mahigpit na kaugnayan sa tunggalian ng dalawang partido, kapakanan ng mga may kinalamang grupo, rasismo, at pagkakamit ng boto at yaman ng mga politikong Amerikano.

 

Dahil sa mga ito, napakahirap na malutas ang isyu ng karahasang dulot ng baril sa bansa.

 

Walang nakaka-alam, kung gaano karami pang buhay ang kailangang mabuwis sa pamamaril, bago magising ang konsiyensya ng mga politikong Amerikano.

 

Hindi rin kapani-paniwala, na totoong pinahahalagahan ng Amerika ang karapatang pantao ng ibang bansa, habang binabalewala nito ang karapatan sa buhay ng sariling mga mamamayan.

 

Sa mga tunog ng baril, bumagsak ang huwad na mukha ng karapatang pantaong may estilong Amerikano.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan