Tsina, mananatiling mainam na destinasyon ng puhunang dayuhan - puno ng NDB

2022-05-26 17:39:10  CMG
Share with:

 

Sa kanyang paglahok sa taunang pulong ng World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, sinabi kamakailan ni Marcos Troyjo, Gobernador ng New Development Bank (NDB), na ang Tsina ay mananatiling isa sa mga nangungunang destinasyon para sa dayuhang pamumuhunan sa darating na mahabang panahon.

 

Aniya, ito ay lumilikha ng mga pagkakataon para sa mga bagong-sibol na ekonomiya at umuunlad na bansa.

 

Sinabi niyang, dahil sa napakalaking bolyum ng output na pangkabuhayan at malakas na economic resilience, ang Tsina ay sentro ng maraming bagong value chain.

 

Sa pamamagitan ng pangako nito sa globalisasyon, patuloy na magkakaloob ng pagkakataon ang Tsina sa mga pandaigdigang stakeholder, dagdag niya.

 

Ipinalalagay pa ni Troyjo, na ipinagkakaloob ng estruktural na reporma ng Tsina sa modelo ng pag-unlad ng kabuhayan ang mas malaking diin sa mataas na added value, at dahil dito, mananatiling mainam ang tunguhin ng paglaki ng kabuhayan ng bansa sa hinaharap.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan