Ayon sa estadistikang inilabas kahapon, Mayo 27, 2022, ng State Administration of Foreign Exchange ng Tsina, naitala ng bansa ang 309.9 bilyong yuan na surplus sa panlabas na kalakalan ng paninda noong nagdaang Abril.
Samantala, noong buwang iyon, nagkaroon naman ang Tsina ng 42.9 bilyong yuan na deficit sa panlabas na kalakalan ng serbisyo.
Ayon pa rin sa estadistika, noong Abril, umabot sa mahigit 3.4 trilyong yuan ang kabuuang halaga ng pagluluwas at pag-aangkat ng Tsina sa panlabas na kalakalan ng paninda at serbisyo.
Ang bilang na ito ay halos pareho sa bolyum noong Abril ng nagdaang taon.
Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos