Monkeypox, “moderate risk” sa pandaigdigang kalusugan – WHO

2022-05-30 16:45:07  CMG
Share with:

Sinabi nitong Linggo, Mayo 29, 2022 ng World Health Organization (WHO) na dala ng monkeypox ang “moderate risk” sa pandaigdigang kalusugan.

 


Anito, mula Mayo 13 hanggang 26, 257 kumpirmadong kaso na ang naitala, at halos 120 pinaghihinalaang kaso ang naiulat mula 23 bansa’t rehiyong hindi endemiko sa naturang virus.

 

Ang biglaan at maramihang paglitaw ng sakit na ito sa mga bansang endemiko at hindi endemiko sa virus ay nangangahulugang nagkaroon ng hindi agad natuklasang transmisyon, dagdag ng WHO.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio