Babala ng IEA: tripleng krisis sa enerhiya, kinakaharap ng buong daigdig

2022-06-01 15:08:09  CMG
Share with:

Inihayag Martes, Mayo 31, 2022 ni Fatih Birol, Executive Director ng International Energy Agency (IEA), na ang Rusya ay pundasyon ng pandaigdigang sistema ng enerhiya, at sanhi ng sagupaan sa pagitan ng Rusya at Ukraine at ipinapataw na sangsyon ng mga bansang kanluranin laban sa Rusya, nahaharap ang buong mundo sa tripleng krisis ng enerhiya na kinabibilangan ng langis, natural gas at koryente.

 

Aniya, kasabay ng pagdating ng tag-init, posibleng lumitaw ang krisis ng kakulangan sa panggatong sa Amerika at Europa.

 

Makikita rin aniya ang kakulangan sa suplay ng diesel, gasolina at kerosene, lalong lalo na sa Europa.

 

Nakadepende sa pag-aangkat ng mga ito ang mga produktong petrolyo ng Europa, dagdag niya.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio