Mahigpit na pagtutol sa paninirang-puri ng Amerika at New Zealand sa kooperasyon ng Tsina at mga bansa sa rehiyong Pasipiko, ipinahayag

2022-06-02 17:10:06  CMG
Share with:

Matinding pagtutol ang ipinahayag Hunyo 1, 2022, ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina, kaugnay ng magkasanib na pahayag na inilabas ng Amerika at New Zealand.

 

Anito, nababahala ang dalawang bansa sa di-umano’y lumalaking impluwensiya ng Tsina sa rehiyong Pasipiko.

 

Pinipilipit at sinisiraang-puri ng naturang pahayag ang normal na kooperasyon ng Tsina at mga islang bansa sa Pasipiko, diin ni Zhao.

 

Kaugnay naman ng kooperasyong panseguridad ng Tsina at Solomon Islands, inulit ni Zhao na ito ay hindi nakatuon sa ikatlong panig.

 

Wala rin aniyang intensyon ang Tsina na magtayo ng base militar sa Solomon Islands.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan