Nagtagpo sa pamamagitan ng video link, kahapon, Hunyo 2, 2022, sina Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, at Mark Brown, Punong Ministro at Ministrong Panlabas ng Cook Islands, bansa sa South Pacific.
Binigyan ng dalawang opisyal ng mataas na pagtasa ang pag-unlad ng kooperasyon ng Tsina at Cook Islands, lalung-lalo na sa aspekto ng kalakalan. Umaasa silang ibayo pang pasusulungin ang relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.
Sinabi rin ni Wang, na inilabas ng Tsina ang dokumento tungkol sa posisyon nito sa mutuwal na paggalang at komong pag-unlad kasama ng mga islang bansa sa Pasipiko, at iniharap din ang mga mungkahi at hakbangin para sa ibayo pang kooperasyon ng dalawang panig.
Bilang tugon, ipinahayag naman ni Brown ang pagpapahalaga ng Cook Islands sa mekanismo ng pulong ng mga ministrong panlabas ng Tsina at mga islang bansa sa Pasipiko, at mga susunod na kooperasyong iminungkahi ng Tsina.
Editor: Liu Kai