Tsina, pinuna ang ilang bansang kanluranin sa pag-imbento ng marami pang kasinungalian tungkol sa Xinjiang

2022-06-03 18:11:40  CMG
Share with:

Sa bukas na debatehan sa mataas na antas ng United Nations Security Council na idinaos kahapon, Hunyo 2, 2022, sinabi ni Dai Bing, Pangalawang Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa United Nations, na para pagtakpan ang kanilang pag-iimbento ng kasinungalian tungkol sa di-umanong "genocide" at "forced labor" sa Xinjiang ng Tsina, ginagawa ng ilang bansang kanluranin na gaya ng Amerika at Britanya ang marami pang kasinungalian para linlangin ang komunidad ng daigdig.

 

Binigyang-diin ni Dai, na kahit gaano karaming kasinungalian ang ikinakalat, hindi maitatago ang katotohanan na ang Xinjiang ay nagtatamasa ng katatagan at kaunlaran, at mabuti at masaya ang pamumuhay ng mga mamamayan doon.

 

Sinumang bumisita sa Xinjiang ay hinding hindi sasang-ayon sa mga kasinungaliang ini-imbento ng Amerika at Britanya, diin din ni Dai.


Editor: Liu Kai