Babala sa mga puwersang kontra Tsina: huwag manggugulo sa Xinjiang

2022-03-17 16:32:47  CMG
Share with:

Sa news briefing sa Beijing Huwebes, Marso 17, 2022, tinukoy ni Xu Guixiang, Tagapagsalita ng Pamahalaan ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang na sa ika-49 na sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na kasalukuyang ginaganap sa Geneva, muling siniraan ng ilang bansa ang Tsina, sa katuwiran ng umano’y isyu ng karapatang pantao sa Xinjiang.
 

Aniya, sa katunayan, lubos na pinahahalagahan ng Xinjiang ang paggalang at pangangalaga sa karapatang-pantao.
 

Sa mula’t mula pa’y iginigiit aniya ng Tsina ang ideyang pangkaunlaran na “gawing sentro ang mga mamamayan,” komprehensibong pinapabuti ang mga gawain sa iba’t-ibang aspektong gaya ng hanap-buhay, edukasyon, segurong panlipunan, usaping medikal, endowment insurance at iba pa.
 

Dahil sa mga ito, nagkaroon ng komprehensibong pagtaas ang lebel ng garantiya sa karapatang-pantao sa Xinjiang, dagdag niya.
 

Ipinagdiinan niya sa mga kanluraning puwersang kontra Tsina na mapayapa, matatag at maligaya ang kalagayan ng Xinjiang, at hindi sila dapat nangugulo rito.
 

Salin: Vera
 

Pulido: Rhio

Please select the login method