Mga konkretong aksyon, kinakailangan para maging normal ang relasyon ng Tsina at Australya

2022-06-04 18:24:38  CMG
Share with:

Sa preskong idinaos kahapon, Hunyo 3, 2022, sa Port Moresby, kabisera ng Papua New Guinea, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na kinakailangan ang mga konkretong aksyon, para maging normal ang relasyon ng Tsina at Australya na nahaharap sa mga kahirapan nitong ilang taong nakalipas.

 

Tinukoy ni Wang, na itinuturing ng ilang puwersang pulitikal ng Australya ang Tsina bilang kalaban sa halip na partner, at ang pag-unlad ng Tsina bilang hamon sa halip na pagkakataon. Ito aniya ay nagresulta sa pagbawi ng Australya ng positibo at pragmatikong patakaran sa Tsina sa loob ng ilang taong nakalipas.

 

Ipinahayag ni Wang, na ang solusyon ay pakitunguhan ang Tsina at relasyon nito sa Australya sa makatwiran at positibong paraan, igalang ang isa’t isa, at hanapin ang pagkakaisa habang itinatabi ang mga pagkakaiba. Ang mga ito aniya ay lilikha ng kinakailangang kondisyon para ibalik ng dalawang bansa ang kanilang relasyon sa tumpak na landas.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos