Di-umanong plano ng Tsina na magkaroon ng rehiyonal na kasunduan sa seguridad sa mga islang bansa sa Pasipiko, pekeng balita

2022-06-04 18:23:38  CMG
Share with:

Sa preskong idinaos kahapon, Hunyo 3, 2022, sa Port Moresby, kabisera ng Papua New Guinea, sinabi ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na pekeng balita ang ulat ng ilang media tungkol sa di-umanong plano ng Tsina na magkaroon ng rehiyonal na kasunduan sa seguridad sa mga islang bansa sa Pasipiko.

 

Ani Wang, pumunta ang Tsina sa rehiyong South Pacific para itayo ang mga lansangan at tulay, upang pabutihin ang pamumuhay ng mga lokal na mamamayan. Walang intensyon ang Tsina na italaga ang mga tropa o base militar, diin niya.

 

Kaugnay naman ng bilateral na kasunduan sa seguridad ng Tsina at Solomon Islands, sinabi ni Wang, na narating ang kasunduang ito batay sa pangangailangan ng Solomon Islands sa pagpapanatili ng katatagang panlipunan ng bansa, at sa pamamagitan ng pantay-pantay na pagsasanggunian ng dalawang panig.

 

Nilagdaan na noong Marso ang naturang kasunduan, dagdag ni Wang.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos