Shenzhou-14 crewed spaceship, nakatakdang ilunsad ng Tsina bukas

2022-06-04 18:14:22  CMG
Share with:

 

Ipinatalastas ngayong araw, Hunyo 4, 2022, ng China Manned Space Engineering Office (CMSEO), ang paglulunsad bukas ng Shenzhou-14 crewed spaceship.

 

Nakatakdang ilunsad ang spaceship alas-10:44 bukas ng umaga, Beijing Time, mula sa Jiuquan Satellite Launch Center sa hilagang kanlurang Tsina, at sakay ng Long March-2F Y14 rocket.

 


Ayon pa rin sa CMSEO, ang tatlong taikonaut na sina Chen Dong, Liu Yang, at Cai Xuzhe ay magsasagawa ng Shenzhou-14 space mission.

 

Sa kanilang 6 na buwang pananatili sa orbita, ipagpapatuloy ng mga taikonaut ang konstruksyon ng space station ng Tsina, at tatanggapin nila ang dalawang lab modules na Wentian at Mengtian, Tianzhou-5 cargo spacecraft at sa bandang huli, ang Shenzhou-15 manned spaceship. Hahalinhan sila ng Shenzhou-15 crew bago bumalik sa mundo sa darating na Disyembre ng taong ito.

 

Sinabi rin ng CMSEO, na maalwang tumatakbo ngayon sa kalawakan ang Tianzhou-3, Tianzhou-4, at core modules, at handang-handa na ang mga ito para tanggapin ang Shenzhou-14 crew.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos