Pagtaas ng implasyon sa Amerika at Europa, walang anumang kaugnayan sa Rusya — Vladimir Putin

2022-06-05 11:46:17  CMG
Share with:

Ipinahayag kamakailan ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya na ang kasalukuyang pagtaas ng implasyon sa Amerika at Europa ay dulot ng pag-iisyu ng sobrang daming dolyares at malabong paningin ng patakarang pang-enerhiya ng Europa.

 

Ito aniya ay walang anumang kaugnayan sa espesyal na aksyong militar ng Rusya sa Ukraine.

 

Sinabi ni Putin na tinatangka ng mga bansang kanluranin na ibaling sa Rusya ang responsibilidad ng paglitaw ng problema sa pandaidigang merkado ng pagkain.

 

Ngunit sa katotohanan, ang mga ipinapataw na sangsyon sa Rusya ng mga bansang kanluranin ay makakapagpalala sa kalagayan, dagdag niya.

 

Walang duda aniyang nais ng mga bansang kanluranin na isisi ang pagtaas ng implasyon sa situwasyon sa Ukraine, upang makatakas sa sariling responsibilidad.


Salin: Lito

Pulido: Rhio