Pagluluwas ng pagkaing-butil sa mga bansang di-mapagkaibigan sa Rusya, pag-iingatan – Vladimir Putin

2022-04-06 15:32:32  CMG
Share with:

 

Pagluluwas ng pagkaing-butil sa mga bansang di-mapagkaibigan sa Rusya, pag-iingatan – Vladimir Putin_fororder_20220406Putin

Ipinahayag nitong Martes, Abril 5, 2022, ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, na magiging mas maingat ang kanyang bansa sa pagluluwas ng pagkaing-butil sa taong 2022, lalo na sa mga bansang di-mapagkaibigan sa Rusya.

 

Sinabi ni Putin na sa taong ito, kinakaharap ng daigdig ang kakulangan sa pagkaing-butil, kaya dapat isagawa ang mataimtim na pagmo-monitor sa saklaw ng pagluluwas nito.

 

Aniya pa, dapat igarantiya ang sapat na suplay ng mga pagkain sa loob ng bansa at katatagan ng mga presyo ng mga ito.

 

Nang araw ring iyon, ipinatalastas ng Unyong Europeo (EU) na isasagawa ang bagong round ng sangsyon sa Rusya sa larangan ng enerhiya.

Salin: Ernest

Please select the login method