Tsina, handang makipagkooperasyon sa komunidad ng daigdig sa pangangalaga sa mundo

2022-06-05 11:51:40  CMG
Share with:

Sa kanyang pagdalo kamakailan sa pandaigdigang pulong ng kapaligiran na tinaguriang “Stockholm+50,” ipinahayag ni Cui Aimin, Embahador ng Tsina sa Sweden ang kahandaan ng Tsina na magsikap kasama ng komunidad ng daigdig para magkakasamang pangalagaan ang ating tahanang Mundo.

 

Sinabi ni Cui na ang unang pulong sa kapaligiran na idinaos noong Hunyo 1972 ay simula ng magkakasamang pagkilos para sa pangangalaga sa Mundo.

 

Aniya pa, nitong 50 taong nakalipas, walang patid na pinapalalim ng Tsina ang kaalaman nito sa tao at pundamental na alituntunin ng kalikasan.

 

Ginagawa aniyang pundamental na patakarang pang-estado ng Tsina ang pagtitipid ng yaman at pangangalaga sa kapaligiran, isinasagawa ang estratehiya ng sustenableng pag-unlad, at aktibong nakikilahok sa pagsasa-ayos ng kapaligirang pandaigdig.

 

Patuloy aniyang magsisikap ang Tsina kasama ang komunidad ng daigdig para magkakasamang proteksyunan ang Mundo at kamtin ang maganda at masaganang kinabukasan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio