Wang Yi, bumati sa Ika-47 Anibersaryo ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Pilipinas at Ika-124 na Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas

2022-06-09 19:50:14  CMG
Share with:

Ipinadala ngayong araw, Hunyo 9, 2022, ni Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ang mensaheng pambati kay Kalihim Teodoro Locsin Jr. ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas, para sa Ika-47 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, at Ika-124 na Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas.

 

Sinabi ni Wang, na nitong ilang taong nakalipas, sa pamumuno at pagtataguyod nina Pangulong Xi Jinping at Pangulong Rodrigo Duterte, nananatiling malusog at matatag ang tunguhin ng pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino.

 

Nakahanda aniya ang Tsina, kasama ng Pilipinas, na igiit ang tumpak na direksyon ng pagkakaibigan, maayos na hawakan ang mga pagkakaiba, at hanapin ang komong pag-unlad, para matamo ang bagong bunga at maihatid ang benepisyo sa kapuwa bansa at mga Tsino at Pilipino.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan