Isang mensahe ang ipinadala ngayong araw, Hunyo 9, 2022 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Rodrigo Duterte bilang pagbati sa pagdiriwang ng Ika-47 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Relasyong Diplomatiko ng Tsina at Pilipinas, at Ika-124 na Araw ng Kasarinlan ng Pilipinas.
Ani Xi, itinuturing ng Tsina ang Pilipinas bilang matalik na kapitbansa, na may mahabang kasaysayan ng pagkakaibigan.
Tinukoy niyang, sa administrasyon ni Pangulong Duterte nitong 6 na taong nakalipas, naisakatuparan ang pagbuti, pagtibay, at pagtaas sa antas ng relasyong Sino-Pilipino, at itinakda ang relasyong ito sa komprehensibo at estratehikong kooperasyon.
Ito aniya ay nagdudulot ng aktuwal na benepisyo sa mga mamamayan ng kapuwa bansa, at nagbibigay ng positibong elemento sa kapayapaan at katatagan ng rehiyong ito.
Ipinahayag din ni Xi ang pag-asang, magkasamang magsisikap ang dalawang panig, para patuloy na pasulungin at itaas sa bagong antas ang relasyong Sino-Pilipino, batay sa umiiral na mainam na pundasyon.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan