CMG Komentaryo: Pag-unlad ng mga pribadong bahay-kalakal, pinahahalagahan ng lider na Tsino

2022-06-11 17:51:52  CMG
Share with:

 

Sa kanyang paglalakbay-suri kamakailan sa lalawigang Sichuan, bumisita si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa isang pribadong bahay-kalakal na gumagawa ng mga produktong elektroniko. Inalam niya ang tungkol sa nagsasariling inobasyon ng bahay-kalakal at pagsuporta ng lokal na pamahalaan sa pag-unlad nito.

 

Ang mga pribadong bahay-kalakal ay mahalagang bahagi ng kabuhayang Tsino. Pero sa panahon ng pandemiya, kinakaharap ng mga ito ang masalimuot na kalagayan at iba’t ibang uri ng mga hamon. Para tulungan ang mga pribadong bahay-kalakal na pagtagumpayan ang mga kahirapan at ipagpatuloy ang pag-unlad, inilabas ng mga pamahalaan sa iba’t ibang antas ng Tsina ang maraming patakaran at hakbangin.

 

Ang nabanggit na biyahe ni Pangulong Xi ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng lider na Tsino sa mga pribadong bahay-kalakal, at sa pamamagitan nito, muling ipinaliwanag ang signal ng walang pag-aalinlangang pagsuporta at pagpapasigla ng Tsina sa pag-unlad ng pribadong kabuhayan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos