Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina at Kalihim ng Depensa ng Amerika, nagtagpo

2022-06-11 17:55:42  CMG
Share with:

 

Sa pagtatagpo kahapon, Hunyo 10, 2022, sa Singapore, nina Wei Fenghe, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, at Lloyd Austin, Kalihim ng Depensa ng Amerika, sinabi ni Wei, na ang prinsipyong Isang Tsina ay batayang pulitikal ng relasyong Sino-Amerikano, at tiyak na mabibigo ang tangkang guluhin ang Tsina sa pamamagitan ng isyu ng Taiwan.



Ang pahayag na ito at ibang detalye ng naturang pagtatagpo ay inilahad ni Wu Qian, Tagapagsalita ng Ministri ng Tanggulang Bansa ng Tsina, sa news briefing na idinaos pagkaraan ng pagtatagpo.

 

Ayon kay Wu, ipinahayag din ni Wei ang pagtutol at pagkondena sa panibagong plano ng panig Amerikano na magbenta ng mga sandata sa Taiwan. Ito aniya ay lumalabag sa prinsipyong Isang Tsina at tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika, sumisira sa soberanya at kapakanan sa seguridad ng Tsina, at nakakapinsala sa relasyong Sino-Amerikano at katatagan sa Taiwan Straits.

 

Dagdag ni Wu, binigyang-diin ni Wei, na kung sinuman ang mangahas na ihiwalay ang Taiwan mula sa Tsina, walang magagawa kundi lumaban ang hukbong sandatahan ng Tsina, para durugin, ng di alintana ang magiging kapalit, ang tangkang "pagsasarili ng Taiwan."

 

Ayon pa rin kay Wu, binanggit din ni Wei ang isyu ng South China Sea sa pagtatagpo. Tinukoy niyang, may kahandaan, katalinuhan, at kakayahan ang mga bansa sa loob ng rehiyong ito na maayos na hawakan ang isyu ng South China Sea, at ang pakikialam ng mga bansa sa labas ng rehiyong ito sa isyu ng South China Sea ay nagiging pinakamalaking di-matatag na elemento sa isyung ito.

 

Nanawagan siya sa Amerika na gawin ang mga bagay na makakabuti sa katatagan ng South China Sea, sa halip na buyuin ang kontradiksyon at hidwaan.


Editor: Liu Kai
Pulido: Mac Ramos