Ang Hunyo 11, 2022 ay Cultural and Natural Heritage Day ng Tsina.
Sa okasyong ito, sabay nating alamin ang hinggil sa brokadong Yunjin at brokadong Lijin, dalawang intangible cultural heritage na inilakip sa listahan ng UNESCO noong 2009.
Ang Yunjin sa literal na kahulungan sa wikang Tsino ay malaulap na brokadong seda.
Ang Yunjin na may kasaysyaan ng mahigit 1,500 taon ay mula sa Nanjing, punong lunsod ng lalawigang Jiangsu sa dakong silangan ng Tsina.
Noong Dinastiyang Ming (1368-1644) at Dinastiyang Qing (1644-1911), ang Yunjin ay eksklusibong ginamit ng pamilyang imperyal.
Ang Yunjin ay hinahabi sa sinulid na ginto at pilak, seda, at plumahe ng paboreal sa sinaunang lalahan. Hanggang sa kasalukuyan, ang teknolohiya ng paghabi ng Yunjin ay hindi kayang mahalinhan ng mga makina.
Ang akdang Yunjin na may mga pambuwenas na disenyong crane at ulap
Isang manghahabi na gumagawa ng Yunjin gamit ang sinaunang habihan
Ang Lijin na may kasaysayan ng 3,000 taon, sa literal na kahulugan, ay seda ng lahing Li.
Ang mga katutubong tao ng lahing Li sa lalawigang Hainan sa dakong timog ng Tsina ay ang kauna-unahang lahi ng Tsina na nagtanim ng bulak.
Ang brokadong Lijin ay hinahabi sa pamamagitan ng bulak, abaka, at iba pang mga hibla.
Ang sining ng paggawa ng Lijin ay binubuo ng paghahabi, pagtitina, at pagbuburda. Ang lahat ng mga disenyo ay bunga ng imahinasyon ng mga manghahabi at ng kanilang kaalaman o tanda ng mga tradisyonal na paterno na ipinapasa hene-henerasyon.
Dahil walang nakasulat na lingguahe, ang mga paterno ng Lijin ay nagsisilbing rekord ng kasaysayan, kultura, relihiyon, at kaugalian ng grupong etniko ng Li.
Mga 160 ang paterno ng Lijin. Kabilang dito ang lahat ng nilalang sa kalikasan na gaya ng bulaklak, ibon, uod, isda at iba pa.
Ang tradisyonal na habihang pang-Lijin
Salin/Patnugot: Jade
Pulido: Mac