20 taong kasunduang pangkooperasyon, nilagdaan ng Iran at Venezuela

2022-06-12 13:33:30  CRI
Share with:

Tehran – Lumagda nitong Sabado, Hunyo 11, 2022 ang Iran at Venezuela sa kasunduang pangkooperasyong na tatagal ng 20 taon.

 

Sinaksihan nina Pangulong Seyed Ebrahim Raisi ng Iran at Pangulong Nicolás Maduro Moros ng Venezuela ang paglagda ng mga ministrong panlabas ng dalawang bansa.

 

Ayon sa dalawang lider, palalakasin ang kooperasyon at magkasamang isasagawa ang ilang malalaking proyekto.

 

Ilan sa mga pangunahing saklaw ng kasunduan ay mga larangang gaya ng langis, pambansang depensa, agrikultura, turismo at kultura.

 

Samantala, sinabi ni Pangulong Seyed Ebrahim Raisi na ipinakikita ng nasabing kasunduan ang determinasyon ng dalawang bansa sa pagpapalakas ng bilateral na relasyon sa iba’t-ibang larangan.


Salin: Lito

Pulido: Rhio