Iran, nagsagawa na ng hakbangin bilang tugon sa di-konstruktibong resolusyon ng IAEA

2022-06-10 14:58:22  CMG
Share with:

Ayon sa pahayag na inilabas nitong Huwebes, Hunyo 9, 2022 ng Ministring Panlabas ng Iran, dahil pinagtibay ng International Atomic Energy Agency (IAEA) Board of Governors ang isang di-konstruktibong resolusyong may kinalaman sa isyung nuklear ng Iran, isinagawa na ng Iran ang katugong hakbanging kinabibilangan ng pagkakabit ng modernong centrifuge at pagsasara ng ilang surveillance cameras mula sa mga pasilidad na nuklear nito.

 

Ang nasabing panukalang resolusyon ay inihain ng mga bansang gaya ng Amerika, kung saan binatikos ang kakulangan ng koopersyon ng Iran sa IAEA, at ipinasa ito nitong Miyerkules.

 

Tinukoy ng pahayag ng panig Iranyo na mali, pamumulitika at di-konstruktibo ang naturang resolusyon, at mapapahina lamang nito ang pakikipagtulungan at pakikipagpalitan ng Iran sa IAEA.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac