Tugon ng Tsina sa plano ng Britanya na itapon ang mga asylum-seeker sa Rwanda: bawiin ang pagkukunwari sa isyu ng karapatang pantao

2022-06-15 15:22:48  CMG
Share with:

Kaugnay ng balak ng Britanya na itapon ang sandaang banyagang asylum-seeker sa Rwanda, inihayag nitong Martes, Hunyo 14, 2022 ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na dapat bawiin ng pamahalaang Britaniko ang kalapastanganan at pagkukunwari sa isyu ng karapatang pantao, at isagawa ang aksyon para mataimtim na tugunin ang pagbatikos at pagdududa sa loob at labas ng bansa.

 

Ayon sa ulat, inanunsyo kamakailan ng British Home Office ang plano hinggil sa pagpapadala ng mga banyagang asylum-seeker na ilegal na pumasok sa bansa patungo sa Rwanda para sa pagpoproseso.

 

Dagdag pa ng ulat, nakaplanong umalis Hunyo 14, 2022 mula sa Britanya ang unang flight dala ang halos 100 asylum-seeker.

 

Saad ni Wang, napansin ng panig Tsino ang maraming pagbatikos at pagdududa sa Britanya mula sa pandaigdigang opinyong publiko.

 

Tinukoy niyang laging pinapalaganap ng Britanya ang imahe nito bilang “tagapagtanggol ng karapatang pantao,” at madalas itong nagsasalita hinggil sa mga suliranin ng ibang bansa, sa katuwiran ng karapatang pantao.

 

Pero, sa harap ng sariling problema ng refugee at pandarayuhan, pikit-mata ang panig Britaniko sa “pamantayan ng karapatang pantao” at humanitaryanismo na pinalaganap nito.

 

Pinababayaan nito ng Britanya ang sariling responsibilidad, at tinatangkang itapon ang mga asylum-seeker bilang solusyon.

 

Dagdag ni Wang, sa isyu ng karapatang pantao, ang pagpapabaya ng ibang panig ang nakikita lamang ng Britanya, samantalang bulag ito sa kawastuhan ng sariling mga hakbang.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio