Inihayag kamakailan ng pamahalaang ng Britanya, na walang balak dumalo ang mga ministro o opisyal ng bansa sa Beijing Olympic Winter Games.
Anang bansa, hindi patakaran ng pamahalaang Britaniko ang pagboykot sa palakasan, at ang naturang hakbang ay isang “diplomatikong pagboykot sa katotohanan.”
Kaugnay nito, inihayag Huwebes, Disyembre 8, 2021 ng tagapagsalita ng Embahada ng Tsina sa Britanya, hindi inimbitahan ng pamahalaang Tsino ang sinumang ministro o opisyal ng pamahalaang Britaniko sa Beijing Olympic Winter Games.
Aniya, kung ang pagboykot sa palakasan ay hindi patakaran ng pamahalaang Britaniko, hindi nito dapat inilunsad ang umano’y “diplomatikong pagboykot sa katotohanan.”
Hinihimok ng nasabing tagapagsalitang Tsino ang pamahalaan ng Britanya na sundin ang diwa ng Olimpiyada, ipatupad ang pangako sa pagtutol sa pagboykot sa palakasan, at itigil ang manipulasyong pulitikal.
Salin: Vera
Pulido: Rhio