Tsina, iginigiit ang pag-unlad ng karapatang pantao - Xi Jinping

2022-06-16 17:50:02  CMG
Share with:

Ayon sa artikulo ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, na inilathala Hunyo 16, 2022 sa Qiushi Journal, flagship magazine ng CPC, sinabi niyang buong tatag at di-magbabagong iginigiit ng Tsina ang pagpapaunlad ng karapatang pantao.

 

Saad ni Xi, ang pagtataguyod ng Tsina sa usapin ng karapatang pantao ay hindi dapat hatulan batay sa mga pamantayan ng iba.

 

Sinabi rin niyang, binuo ng Tsina ang pamamaraan ng pagpapaunlad ng karapatang pantao na sumasabay sa tunguhin ng panahon at angkop sa kalagayan ng bansa.

 

Ang lahat ng mga patakaran at hakbangin ng pagpapaunlad ng karapatang pantao ng Tsina ay nakatugon sa kahilingan at mithiin ng mga mamamayan, dagdag ni Xi.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan