69 na bansa, tutol sa pakikialam ng ilang bansa sa suliraning panloob ng Tsina

2022-06-16 17:48:50  CMG
Share with:

Sa ngalan ng 68 iba pang bansa, iniharap ng Cuba, Hunyo 14, 2022 sa idinaraos na Ika-50 Sesyon ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang magkakasanib na pahayag ng pagtutol sa paggamit ng ilang bansa sa isyu ng karapatang pantao upang paki-alamanan ang mga suliraning panloob ng Tsina.

 

Ayon dito, ang mga usapin ng Xinjiang, Hong Kong, at Tibet ay suliraning panloob ng Tsina.

 

Hindi dapat isapulitika ang mga isyu ng karapatang pantao, isagawa ang double standard sa aspektong ito, o paki-alamanan ang mga suliraning panloob ng Tsina sa pangangatuwiran ng karapatang pantao, diin ng pahayag.

 

Anito pa, dapat igalang ng lahat ng panig ang karapatan ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa sa pagpili ng sariling landas ng pag-unlad na angkop sa aktuwal na kalagayan, at dapat ding bigyan ng parehong halaga ang iba’t ibang uri ng karapatang pantao, lalung-lalo na ang mga karapatang pangkabuhayan, panlipunan, pangkultura, at pag-unlad.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan