Pulong na panseguridad ng BRICS, nakatakdang idaos ngayong araw

2022-06-15 19:15:34  CMG
Share with:

 


Nakatakdang idaos ngayong araw ang ika-12 Pulong ng mga Mataas na Kinatawan sa mga Isyung Panseguridad ng BRICS, sa pamamagitan ng video link.

 

Ito ang ipinatalastas ngayong araw ng Ministring Panlabas ng Tsina .

 

Mangungulo sa pulong si Yang Jiechi, Miyembro ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina.

 

Ang BRICS ay binubuo ng Brazil, Russia, India, China at South Africa.

 

Salin: Jade