MFA: Hinahadlangan ng Amerika ang pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao sa buong daigdig

2022-04-30 15:16:54  CMG
Share with:

Kaugnay ng 2021 Country Reports on Human Rights Practices na inilabas ng Department of State ng Amerika, tinukoy nitong Biyernes, Abril 29, 2022 ni Zhao Lijian, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang ulat na ito ay naglalayong pasulungin ang  labis na pagsasapulitika ng isyu ng karapatang pantao at pangalagaan lamang ang sariling interes ng Amerika.


Sinabi ni Zhao na ang nasabing ulat ay pumupuna lamang sa kalagayan ng karapatang pantao ng ibang mga bansa ng daigdig pero nagbubulagbulagan sa sariling problema ng Amerika sa isyung ito. Ito aniya ay hindi nakakatulong sa pagpapabuti ng isyu sa karapatang pantao sa buong daigdig.


Idiniin ni Zhao na ang karapatang pantao ay hindi pribilehiyo ng iilang bansa lamang. Sinabi pa niyang hindi rin ito dapat maging kagamitan ng Amerika sa pagpapataw ng presyur sa ibang mga bansa.


Umaasa aniya siyang ilalagay ng Amerika ang mas maraming enerhiya sa pagpapabuti ng sariling kalagayan ng karapatang pantao.


Salin: Ernest

Pulido: Mac