DDDay 2022: Mga halaman sa pagpigil ng desertipikasyon

2022-06-17 21:08:09  CMG
Share with:


Ang Hunyo 17, 2022 ay Pandaigdig na Araw Kontra Desertipikasyon at Tagtuyot (World Day to Combat Desertification and Drought).

 

Ang araw na ito ay pinaikli rin bilang Desertification and Drought Day (DDDay).

 

Ang tema ng DDDay 2022 ay Sama-samang Pagbangon sa Tagtuyot (Rising Up From Drought Together).

 

Ang desertipikasyon ay inihahambing bilang kanser ng mundo.

 

Upang malutas ang pandaigdig na problemang ito, walang patid na nagsisikap ang Tsina.

 

Hanggang 2019, umabot sa 2,424 na kilometro kuwadrado ang karaniwang taunang nabawasang saklaw ng lupang naging disyerto o mga desertified area. Ipinakikita nitong matagumpay na napigilan ng Tsina ang pagpapalawak ng desertipikasyon ng bansa.  

 

Upang muling maging berde ang mga disyerto, bukod sa pagsisigasig ng mga tao, di rin mabubura  ang papel ng mga halaman.

 

Kilalanin natin ang ilan sa mga halamang nakakatulong kontra desertipikasyon ng Tsina.

 

Una, ang sacsaoul.

 

 

Kagubatan ng sacsaoul sa lalawigang Gansu sa dakong hilaga-kanluran ng Tsina

 

Ang sacsaoul ay kilala rin bilang Haloxylon ammodendron, saxaul, black saxaul, at saksaul.  

 

Malakas ang ugat ng sacsaoul. Nakakatagal din ito sa tagtuyot, mataas na temperatura at alkalino. Kaya, binansagang tagapagtanggol ng disyerto ang sacsaoul.

 

Ang sanga ng sacsaoul ay hindi lamang mainam na pagkain para sa mga kamelyo, kundi mamahaling medisinang herbal.

 

Ang puno ng sacsaoul ay nagsisilbi ring mabuting uling.

 

Pangalawa: ang salix cheilophila.

 


Ang kagubatan ng salix cheilophila na nasa disyerto ng Inner Mongolia Autonomous Region sa dakong hilaga ng Tsina.


Ang salix cheilophila ay isang uri ng willow (ang salitang Latin na Salix ay nangangahulungan ng willow). Ito ay isa sa mga pangunahing punong panangga  ng hangin at buhangin sa dakong hilaga ng Tsina.

 

Pangatlo: ang diversiform-leaved poplar.

 

 

Ang kagubatan ng diversiform-leaved poplar sa Xinjiang

 

Ang diversiform-leaved poplar o populus euphratica ay tinaguriang gulugod ng disyerto. Sa Tsina, 90% pataas ng kagubatan ng poplar na ito ang matatagpuan sa Xinjiang Uygur Autonomous Region. 90% ng mga poplar sa Xinjiang naman ay itinatanim sa Tarim Basin, kung saan matatagpuan ang Taklamakan Desert, pinakamalaking disyerto sa bansa.

 

Pang-apat: ang caragana korshinskii kom


Ang caragana korshinskii kom ay kabilang sa palumpong at mahalagang pananggalang ito laban sa hangin at buhangin. Malaki ring tulong ito para maiwasan ang erosyon ng lupa.


Maaari itong magsilbing pataba at kumpay. Ang balat nito ay maaari ring gawing lubid. Dilaw ang bulaklak ng caragana korshinskii kom.

 

 

 

 

Ang caragana korshinskii kom at ibang halaman sa Huangshatou National Desert Park sa lalawigang Qinghai sa dakong hilaga-kanluran

 

Panlima:ang narrow-leaved oleaster


Ang narrow-leaved oleaster o elaeagnus angustifolia linn ay de-kalidad na pagkain ng tupa. Maaari rin itong gamitin sa paggawa ng alak, suka at pagkain. 


Ang kagubatan ng narrow-leaved oleaster sa lunsod Zhangye, lalawigang Gansu sa dakong hilaga-kanluran ng Tsina.

 

 

Hinog na mga bunga ng  narrow-leaved oleaster sa Xinjiang

 

   

 

Pang-anim: ang sallow thorn.


Ang sallow thorn ay malawakang itinatanim sa dakong hilaga-kanluran ng Tsina para maging luntian ang disyerto. Ang Tsina ang may pinakamalaking saklaw ng taniman ng halamang ito sa daigdig. Mayaman sa Vitamin C ang bunga ng sallow thorn. Ang langis nito ay panlaban sa pagtanda at pampaganda.

 

 

Ang sallow thorn sa Xinjiang

 

Pampito: ang camel thorn.


Masustansiya ang camel thorn at hilig kainin  ito ng mga alagaing hayop. Ang dagta o syrup na galing sa dahon nito ay maaaring gamitin sa pagbibigay-lunas sa disenterya, sakit sa tiyan at iba pa.

 

Ang namumukad na camel thorn sa Xinjiang

 

 

Salin: Jade

Pulido: Mac