Katangi-tanging paraan at kasangkapan ng Tsina sa paglaban sa desertipikasyon

2022-06-16 15:49:13  CMG
Share with:

Idaraos Hunyo 17, 2022 ang Ika-28 World Day to Combat Desertification.

 


Ang desertipikasyon ay itinuturing na “cancer ng Mundo,” dahil isinasapanganib nito ang buhay at pag-unlad ng 2/3 ng lahat ng bansa’t rehiyon at 1/5 ng polulasyon ng daigdig.

 


Satellite map ng Disyerto ng Kubuqi, ika-7 pinakamalaking disyerto sa Tsina noong 1985, kumpara sa satellite map nito noong 2016

 

Nitong nakalipas na ilang dekada, bilang isa sa mga bansang apektado ng pinakamalubhang desertipikasyon, walang tigil na isinasagawa ng Tsina ang pagsasarbey upang malabanan ang desertipikasyon, at malikha ang isang kamangha-manghang “berdeng himala.”

 


Satellite map ng Disyerto ng Mu Us o Maowusu, ika-4 na pinakamalaking disyerto sa Tsina noong 1985, kumpara sa satellite map nito noong 2016

 

Ayon sa ulat na inilabas ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng Amerika noong 2019, naging mas berde ang mundo kumpara noong nagkaraang 20 taon, at isa sa mga sanhi nito ay malawakang pagtatanim ng mga kagubatan ng Tsina.

 

Sa mahabang kasaysayan ng paglaban sa desertipikasyon, nilagom ng mga mamamayang Tsino ang maraming mabisang paraan, at nilikha ang mga magandang kasangkapan, bagay na nagkaloob ng katangi-tanging karanasan para sa pandaigdigang kampanya kontra desertipikasyon.

 

Heto ang ilan sa mga mabisang paraan at kasangkapan para sa pagsasaluntian ng disyerto.

 

Straw checkerboard barrier


Mechanized sand-fixation equipment


Katangi-tanging paraan ng pagtatanim ng puno sa loob ng 10 segundo, gamit ang hydraulic pressure


Mga solar panel


Pagsasaayos sa disyerto sa pamamagitan ng mechanics

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio