CMG Komentaryo: Mga pulitikong Britaniko, harapin muna ang sariling problema!

2022-06-17 16:17:05  CMG
Share with:

Sa kasalukuyan, nahaharap ang pamahalaang Britaniko sa napakaraming problema.

 

Noong Hunyo 15, 2022, inilunsad ng Komisyon ng Unyong Europeo (EU) ang demanda, dahil sa di-pagsunod ng pamahalaang Britaniko sa Northern Ireland Protocol.

 

Tinukoy ni Michelle O’Neil, Pangalawang Tagapangulo ng Sinn Féin Party ng Northern Ireland na laging naninindigan sa paghiway sa Britanya, na ang kilos ng pamahalaang Britaniko ay nakapagpasidhi ng kawalang katatagan ng kalagayang pulitikal ng Northern Ireland.

 

Dalawang araw nauna rito, inanunsyo naman ni Nicola Sturgeon, First Minister ng Scotland na kahit sumang-ayon o hindi ang Britanya, pasusulungin niya ang pagdaraos ng bagong round ng reperendum hinggil sa pagsasarili ng Scotland mula sa Britanya sa susunod na taon.


Magkakasunod na lumitaw ang iba’t ibang problema sa Britanya na gaya ng bigong kampanya kontra Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), iskandalo ng "Partygate" kung saan lumabag ang mga tauhan ng Tanggapan ng Punong Ministro ng Britanya sa mga tadhana sa pagpigil sa pandemiya, mataas na implasyon, pag-ibayo ng presyur ng resesyon ng kabuhayan at iba pa. Abalang abala ang pamahalaang Britaniko sa pagharap sa mga problema.


 

Noong unang dako ng kasalukuyang buwan, nahirapang makapasa si Punong Ministro Boris Johnson sa no confidence vote ng Conservative Party, pero ipinalalagay ng opinyong publiko ng Britanya na malubhang nasira ang kanyang prestihiyo.

 

Sa kabila ng mga kontradiksyon sa loob ng bansa, laging sumasagi sa alaala ng mga pulitikong Britaniko ang pagpapakita ng sariling presensya sa komunidad ng daigdig.

 

Kasunod ng Amerika, nagtatangka silang manggulo sa Europa, Asya-Pasipiko at iba pang rehiyon.

 

Dapat malaman nilang hindi nagbayad ang Britanya ng utang sa komunidad ng daigdig, at hihintayin ng daigdig ang pagbibigay-katarungan sa mga mamamayan ng Malvinas Islands (kilala rin bilang Falkland Islands) at Argentina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Mac